perpekto yata kase kayo eh
yata lang…
napansin ko lang ah, sa sobrang minsan ko makatanggap ng message sa tumblr ask, pag nagkataong meron eh palaging ang pinupuntirya eh yung boyfriend ko. they’re not necessarily haters pero hindi ko alam pero ang hilig lang talaga manginsulto. churanyo. ganda nyo ba?
kesyo babaero daw siya. panget. maliit. eh ano ngayon. at least ako may boyfriend, eh iba dyan ang gaganda at gwapo, wala naman mahanap. tsaka bakit ba sakin nyo sinasabi yung mga yan, eh meron naman sariling tumblr ask yung tao. sa kanya nyo kaya sabihin mismo. haha pero pag ginawa nyo yun, eh malamang sa malamang eh may violent reaction pa rin ako. hindi naman ako galit, kase opinyon nyo yun eh. napansin ko lang naman, at opinyon ko rin to. so dedma na lang ha.
actually yun lang. pero sana lang di ba, kung magsesend kayo ng mga ganong klaseng messages, siguraduhin nyong pag sinagot ko kayo eh sasagot kayo uli ha hindi yung parang may kausap akong hangin. mga walang kwentang kausap.
PS. wala kase talaga yan sa ichura o sa tangkad o sa yaman. NASA PERFORMANCE YAN. hahaha! kbye. happy new year!









