eh bale magtatalong buwan na ko andito. miss ko na ang pilipinas, pero hindi yung gulo and ingay.
anyway, alam nyo bang nawala yung phone ko dito? pero may nagtabi at nabalikan ko pa. at nawala rin yung e-pass ko, pero ayun nga may nagtago parin at nakuha ko uli. ang galing lang eh. naisip ko, buti nasa singapore ako. masama bang isipin ko na ganon? aminin na natin, kung sa pilipinas ako mawalan ng gamit eh wala na yan pag-asa. eh jusko hindi nga nawawala eh, kinukuha talaga. ano ba! eh dikit na nga sakin bag ko eh dalawang beses yata ako nawalan/nanakawan ng wallet sa loob lang ng 3 months!
tapos aliw dito kase kahit maglakad ka hatinggabi o kaya umuwi ka ng lasing, buhay ka pa rin. sana ganito rin sa pinas. tapos ang saya rin ng traffic dito kase hindi maingay, walang bumubusina. AT HINDI MAUSOK! alam mo yung buong araw ako sa labas, paguwi ko sa bahay after work, pagtanggal ko ng make-up eh make-up pa rin yung nasa washcloth! hindi yung tipong itim na yung sa bulak mo dahil sa alikabok at usok.
mahal lang talaga lahat! yun lang ang reklamo ko sa buhay dito.
walang point to. okay fine medyo nagkukumpara ako. pero sana di ba, ganito rin satin. kung kaya nila, bakit satin hindi magawa?